Ano nga ba ang papel ng isang "kaibigan"?
Hanggang saan ba dapat ang pakikitungo ng isang "kaibigan"?
Paano ka makakasiguro na "kaibigan" nga siya at hindi kaaway?
Gaano kaimportante ang "kaibigan" sa buhay natin?
Maraming uri ng kaibigan:
- Kaibigan na masarap kausap at hingahan ng sama ng loob
- Kaibigan na masarap kasama sa kasiyahan
- Kaibigan na hindi makaunawa at hindi mabiro
- Kaibigan na mahilig magturo ng kalokohan
- Kaibigan na puno ng kalokohan ngunit ayaw mang damay
- Kaibigan na maganda magpayo at matututo ka
- Kaibigan na magpapayo pero mas lamang ang husgahan ka
- Kaibigan na handang dumamay sa lahat ng oras ng iyong kagipitan
- Kaibigan na nagtatago at ayaw madamay
- Kaibigan lang pag kaharap ka pero pagtalikod mo tinataga ka
- Kaibigan na handang mamatay at pumatay para sa isang kaibigan
- Kaibigan na tahimik ngunit mapanganib
- Kaibigan na madada pero duwag
- Kaibigan na hindi marunong magtago ng sikreto
- Kaibigan na masikreto
- Kaibigan na walang sikreto na halos lahat sa buhay niya pinapangalandakan
- Kaibigan na mapagkakatiwala mo ang sikreto mo
- Kaibigan na mapagkunwari at di mapagkakatiwalaan
- Kaibigan na mapagmalinis at ayaw tumanggap ng payo
- Kaibigan na garapal magpayo
- Kaibigan na topakin
- Kaibigan na mahilig magyabang
- Kaibigan na mahilig magpaawa
- Kaibigan na maasikaso
- Kaibigan na maalalahanin
- kaibigan na kaibigan ka lang pag kasama mo pero madalang na makaalala pag malayo ka
Siguro marami pa akong hindi nabanggit na uri ng isang kaibigan
Sa mga nabanggit ko, alin ka ka dun? O alin ako dun?
Para sa akin ang tunay na kaibigan ay sapat na yung makasama mo siya sa kasiyahan at sa mga sandaling malungkot ka, yung handang makinig at handang magpayo kung humingi ka at ganun din siya sayo, yun mapagkakatiwalaan, at higit sa lahat.handang tanggapin ang kakulangan mo bilang isang kaibigan.
Marami na akong naging karanasan sa kaibigan. Tulad sa mga nabanggit ko sa uri ng kaibigan, may mangilan-ngilan sa kanila ang higit na nagtataglay ng negatibong ugali, mayron din naman higit ang positibo.
Marami akong nahingan ng payo at marami din naman akong nabigyan ng payo.
Masarap ang may kaibigan. Sa isang kaibigan, marami kang pwedeng ipagtapat na hindi mo kayang pagtapat sa sinoman sa iyong ka-pamilya. Kadalasan, sa kanila mo una nasasabi ang iyong kabiguan o tagumpay at kadalasan mas masaya silang kasama.
Naniniwala din ako na may limitasyon ang pakikitungo sa isang kaibigan at may mga bagay ka din na dapat isa alang-alang. Halimbawa, gusto niyang mapag-isa o manahimik o kaya'y di niya pa kaya tumanggap ng payo.
Malalaman mo kung kaibigan mo talaga siya kung higit niyang tinataglay ang mga positibong katangian ng isang kaibigan. Ngunit, di niya kailangan maging perpekto para maging isang tunay na kaibigan. Dito, masusukat mo ang katatagan mo bilang isang kaibigan kapag kaya mong tanggapin ang kanyang mga kapintasan.
Mahalaga ang papel ng kaibigan sa bawat tao, kung wala kang kaibigan malungkot ang buhay.
Ang masakit lang, minsan sila din ang nagbibigay sayo ng matinding sama ng loob at kalungkutan....
Ganun pa man, mas nakahihgit pa rin ang SARAP ng may kaibigan!
No comments:
Post a Comment